Aabot sa ₱8,522,400 ang halaga ng liquid cocaine ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang Colombian national sa Clark Pampanga.
Kasabay nito ang pagkaaresto kay Santiago Francisco Amado Sopo, alyas Antonio Cordero, ang Colombian national.
Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, dinakip si Sopo sa isang controlled delivery operation sa Port of Clark.
Nabawi sa kanya ang isang parcel na may lamang liquid cocaine na ihahatid na sana isang consignee sa Makati City.
Hawak na ng PDEA ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 o importation of dangerous drugs sa ilalim ng Republic Act 9165. | ulat ni Rey Ferrer