Mas pipiliin ni Speaker Martin Romualdez na manatiling district representative kaysa tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2025.
Sa ambush interview sa House leader, natanong ito kung may balak ba siyang tumakbo sa pagka senador sa nalalapit na midterm elections.
Pero aniya mas gusto niyang manatili bilang kinatawan ng distrito ng Leyte.
Marami pa kasi aniyang dapat tapusin sa kaniyang distrito.
“Siguro mananatili muna ako sa first district ng Leyte, adjust to my work kasi marami pang kailangang tapusin sa first district.” sagot ni Romualdez
Nang matanong naman kung ano ang balak niya sa 2028, sinabi niya na matagal pa naman ito. | ulat ni Kathleen Forbes