Upang mapabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa at makamit ang pangmatagalang mithiin ng masaganang buhay para sa lahat ng Pilipino, binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kahalagahan ng pamumuhunan sa human capital development.
Sa paglulunsad ng World Bank ng Philippines Human Capital Review, inihayag ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan ang kahalagahan ng strategic at consistent na pamumuhunan sa human capital.
Aniya, malaki ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
Binigyang-diin ng kalihim ang malaking potensyal ng Pilipinas dahil sa kasalukuyang demographic shift, kung saan malaki ang bilang ng mga kabataan na nasa working-age group na magdudulot ng mas mataas na demand at productivity sa mga susunod na taon.
Sa huli, sinabi ni Balisacan na human capital investment ang ay susi upang makamit ang matatag, maginhawa, at panatag na buhay para sa lahat ng Pilipino. | ulat ni Diane Lear