Navotas LGU, mamamahagi ng graduation incentives sa elementary at senior high school graduates ngayong araw at bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ngayong araw ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang papamahagi ng graduation incentive para sa mga mag-aaral na nagsipagtapos sa grades 6 at 12 sa mga public school sa Navotas.

Sa abiso ng LGU, ngayong araw hanggang bukas (Hunyo 26-27) ang itinakdang pamamahagi ng cash incentives sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod.

Sa mga kukuha ng incentive, kailangan lamang nilang alamin ang oras, venue, at mga dokumentong kinakailangang dalhin.

Para makuha ang cash incentive, kailangang magpresenta ng photocopy ng kanilang diploma ang mga mag-aaral, identification card, birth o baptismal certificate, at NavoRehistro QR code.

Samantala, kung ang kukuha naman ay ang kanilang representative, kailangang magpakita ito ng authorization letter.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us