Inendorso na ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang pagkansela ng certificate of live birth (COLB) ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ng tatlo pa niyang mga kapatid dahil sa irregular registration.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Women ngayong araw, kinumpirma ni Assistant National Statistician ng Civil Registration Authority Engr. Marizza Grande ang kanilang rekomendasyon sa OSG.
Pinaliwanag rin ni Grande na kung sakaling makansela ang COLB ng alkalde ay magiging floating ang kanyang identity.
Dinagdag rin ng opisyal na iniimbestigahan na nila ang modus sa PSA, partikular sa Lanao del Sur kaugnay ng paggamit ng mga dayuhan ng delayed registration of birth para magkaroon ng indentidad bilang Pilipino.
Giniit naman ni Sen. Risa Hontiveros na napakabigat ng implikasyon nito lalo’t halal na opisyal ng pamahalaan si Guo.| ulat ni Nimfa Asuncion