Inatasan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang Marikina City Police na makipag-ugnayan sa Office of Public Safety and Security (OPSS).
Ito ay para magtulungan sa pagmamando ng trapiko sa lungsod.
Partikular na pinatutukan ni Mayor Teodoro sa Marikina PNP at OPSS ang mga choke point o yung lugar na madalas nagkakaroon ng mabigat na trapiko.
Ayon sa alkalde, bukod sa makatutulong ang hakbang na ito sa pagsasaayos ng trapiko sa lungsod, mas mapaiigting din ang police visibility kontra sa mga krimen.
Matatandaang inatasan ni PNP chief PGen. Rommel Francisco Marbil na magpakalat ng mas maraming pulis sa lansangan para paigtingin ang kanilang kampanya kontra krimen at iligal na droga.| ulat ni Diane Lear