Nagpasalamat si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa Kamara sa kanilang pagbibigay ng pagkakataon sa kagawaran na isakatupan ang hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tugunan ang pangangailangan sa healthcare ng bansa.
Ito ang kanyang inihayag sa kanyang talumpati sa isinagawang groundbreaking ceremony ng pinakamalaking hemodialysis center sa bansa na itatayo sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
Aniya ang itatayong state-of-the-art na gusali ay sa pagtutulungan ng NKTI at DPWH upang maipagkaloob ang “excellent patient care facility”.
Magsisilbi aniya itong legasiya ng “hope, healing and survival”.
Diin pa ng kalihim, ang Kongreso ang nagbigay-daan upang maitayo ang isa pang heath facility na una nang inumpisahan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes