Pinasalamatan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang lahat ng local government units na lumahok sa 2024 Walang Gutom Awards na inorganisa ng ahensya kasama ang Galing Pook Foundation.
Mahigit 100 LGUs ang lumahok sa paghahanap ng namumukod-tanging anti-hunger initiatives kung saan 17 ang naging finalists.
Sa 17 finalists, 10 LGUs ang nagwagi sa kanilang huwarang pagsisikap laban sa gutom.
Nakatanggap ng tig Php2 milyon ang 10 awardees sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD, habang ang pitong finalists naman ay tumanggap ng tig-₱1-M.
Gagamitin ang pondo para palakihin ang kanilang mga programa upang maabot ang mas maraming benepisyaryo.
Binigyang-diin ni Secretary Gatchalian na ang paglahok ng mga LGU sa ‘Walang Gutom’ Awards ay isang patunay na hindi nag-iisa ang DSWD sa pagtugon sa mga hamon sa nutrisyon at kalusugan ng bansa. | ulat ni Rey Ferrer