Opisyal nang sinimulan ngayong araw ang mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon ng Araw ng Pasig 2024.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod, may inihandang mga programa at aktibidad ang lokal na pamahalaan simula June 26 hanggang July 5.
Isa sa mga inaabangang kaganapan ang Mutya ng Pasig 2024 Coronation Night na isasagawa mamayang alas-6:00 gabi sa Tanghalang Pasigueño kung saan pipiliin ang pinakamahusay na Pasigueño designer.
Ito ay bukas sa publiko pero first-come, first-served basis ang pagpasok sa nasabing event venue.
Kabilang din sa mga aktibidad sa pagdiriwang ng Araw ng Pasig 2024 ang PRIDE March, pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga solo parent, groundbreaking ng Pasig City General Hospital, pagbibigay ng libreng gamot sa mga barangay, at iba pa.
Para sa mga detalye ng bawat aktibidad, maaaring bisitahin ang Facebook Page ng Pasig City Public Information Office. | ulat ni Diane Lear