Pagbabalik sa lumang school calendar upang maiwas ang mga estudyante at guro sa “heat stress,” pinamamadali

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan sa pamahalaan na madaliin ang pagbabalik sa pre-pandemic school calendar.

Ayon sa mambabatas, suportado nito na magbalik sa dating school calendar bilang proteksyon sa mga estudyante at guro mula sa napakatinding init na nararanasan ngayon sa bansa.

Aniya, marami sa mga mag-aaral lalo na ang mga mahihirap ang naglalakad ng malayo papunta sa kanilang mga paaralan.

Ang mahabang lakad aniyang ito na sasabayan pa ng matinding init ay malaking banta sa kanilang kalusugan.

“We are all for the immediate return to the old school calendar with the least possible disruption to classes. Many children from poor households, including 4Ps beneficiaries in the provinces, tend to walk long distances going to or coming from school. The prolonged physical exertion, combined with the agonizing heat, puts them at risk of heat exhaustion,” paliwanag ng mambabatas.

Una nang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na inaaral ng gobyerno ang posibleng pagbabalik sa lumang school calendar, dahil nakakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante ang napakainit na panahon.

Sa kasalukuyang school calendar, nagsimula ang klase ng August 22, 2022 at magtatapos ng July 7, 2023.

Kaya naman kahit Abril at Mayo na siyang pinakamainit na mga buwan ay may pasok ang mga bata. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us