Paghahanda sa ASEAN Armies Annual Meet 2024, plantsado na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plantasado na ang paghahanda para SA ASEAN Armies Annual Meeting 2024, sa pagtatapos kahapon ng pagpupulong ng mga miymebro ng Technical Working group sa Training and Doctrine Command Headquarters, Camp O’Donnell, Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Ang apat na araw na pagpupulong ay pinangunahan ni Philippine Army Chief of Staff Maj. Gen. Potenciano Camba ang concurrent executive chairperson ng Task Force AAAM 2024 kasama ang mga delegado ng kalahok na ASEAN Army.

Ang AAAM 2024 ay taunang aktibidad sa pagitan ng mga bansang ASEAN para patatagin ang uganayang pang-militar, palakasin ang joint operational capability, at tiyakin ang regional security.

Ito’y binubuo ng tatlong mahalagang bahagi na kinabibilangan ng 32nd ASEAN Armies Rifle Meet (AARM), 25th ASEAN Chief of Armies Multilateral Meeting (ACAMM), at 12th ASEAN Sergeant Major Annual Meeting (ASMAM) na may temang “Strengthening Partnership and Camaraderie towards Regional Stability.” | ulat ni Leo Sarne

📸: Pfc. Divino Lozano

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us