Cybercrime Investigation and Coordinating Center, pinag-iingat ang publiko sa text scams na ginagamit ang pangalan ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko na wag pansinin ang mga natatanggap na text scam sa traffic violations na ginagamit pa ang pangalan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Inisyu ni CICC Executive Director Alexander Ramos ang cybercrime advisory matapos ma-monitor ang bagong wave ng text scams na tina-target naman ang mga motoristang may record ng traffic violation.

Ayon kay Ramos, ang mga ganitong mensahe ay may kalakip na link sa isang pekeng website kung saan hihingin ang plate number ng motorista at pagbabayarin ito sa pamamagitan ng online payment channels.

Dahil dito, hinikayat nito ang publiko na mas maging mapanuri dahil hindi kailanman magpapadala ng mensahe ang MMDA sa traffic violators.

Una na ring nilinaw ng MMDA na hindi ito nagpapadala ng text message para pagbayarin ang motorista sa pamamagitan ng link.

Maaari namang magsumbong ang sinumang biktima ng text scams at iba pang cybercrimes sa Inter-Agency Response Hotline 1326. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us