La Mesa Ecopark, bubuksan na sa publiko sa Sabado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ang ilang buwang rehabilitasyon ay muli nang magbubukas sa publiko sa darating na Sabado, June 29, ang first phase ng La Mesa Ecopark.

Pangungunahan ito ng Manila Water Company (MWC), katuwang ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Quezon City government.

Ayon sa Manila Water, kasama sa first phase ng La Mesa Ecopark ang Eco Academy Pavilion, Viewing Deck, Souvenir Shop, Group Activity Area, at Picnic Area.

Magiging operational naman ang La Mesa Ecopark tuwing Martes hanggang Linggo mula 7:00AM hanggang 4:00 PM. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us