Nasa pitong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang patay matapos sumiklab ang engkuwentro sa pagitan nila at ng tropa ng Army’s 84th Infantry Battalion sa Pantabangan, Nueva Ecija.
Ang naturang engkuwentro ay bunga na rin ng nagpapatuloy na hot pursuit operations buhat sa isinagawang aerial strike ng militar laban sa Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon ng CPP-NPA sa Nueva Vizcaya noon pang June 20.
Kasunod nito, iniulat din ng militar ngayong umaga na hindi bababa sa 10 matataas na kalibre ng armas ang nakuha mula sa mga napatay na hindi pa pinangalanan at may nakuha ring mga subersibong dokumento.
Wala namang nasawi o nasaktan sa panig ng pamahalaan. | ulat ni Jamark Dagala
📸: AFP