Nakahanda ang National Food Authority (NFA) na ilaan ang nasa 9,750 MT ng bigas para sa pag-arangkada ng programang Bigas 29 ng Department of Agriculture.
Nakatakdang ilarga ang naturang programa sa unang bahagi ng hulyo kung saan ibebenta ng P29 kada kilo ang bigas sa mga piling Kadiwa Stores.
Ayon kay NFA Admin Larry Lacson, posible pang madagdagan ito habang tuloy tuloy ang pagiimbak ng ahensya.
Kaugnay nito, tiniyak ni Lacson na regular ang ginagawa nilang pagsusuri sa mga nakaimbak na palay sa kanilang mga warehouse para masigurong maayos pa rin ang kalidad nito.
Kaya naman, wala umanong dapat ipagaalala ang mga mamimili sa Kadiwa dahil katanggap tanggap ang ibebentang bigas mula sa NFA. | ulat ni Merry Ann Bastasa