Bagamat ikinalugod na inalis na ang ban sa pagbibigay ng entry visa at workers visa sa mga OFW na nais magtrabaho kuwait, binigyang diin ng isang mambabatas na dapat itong sabayan ng pagtiyak ng pinaigting na proteksyon para sa ating filipino migrant workers.
Ayon kay OFW party-list Rep. Marissa Magsino, bago muling mag deploy ng mga manggagawa sa kuwait, lalo na sa household servic sector ay kailangan muna masiguro na mabibigyan sila ng proteksyon sa pamamagitan ng pagbibigay ngipin sa ating bilateral labor agreement
“Thank you Kuwaiti government. Big thanks to the DMW, DFA, and hardworking Embassy and MWO officials in Kuwait in making sure that the Filipinos will have available livelihood in Kuwait and will still be part of host country’s development. However, we should also be cautious. Our bilateral labor agreements must have teeth in protecting the rights of our workers. Hindi lang dapat ito isang palamuting papel.,” sabi ni Magsino.
Ipinunto ng mambabatas na wala kasing malinaw na probisyong nakasaad sa BLA patungkol sa social security, equality of treatment, repatriation, pati na ang panuntunan sa imbestigasyon at prosekusyon kapag naagrabyado o may ginawang krimen laban sa ating OFW.
“Our bilateral labor agreements envelop the policy support for our OFWs while they are abroad. It must have decisiveness and grit to make sure there is no space for abuses against our OFWs. If there are some abuses, the agreements should provide for serious consequences that would deter foreign employers from committing a similar transgression.”, dagdag ni Magsino.
Nangako naman ang kinatawan na patuloy na makikipagtulungan sa DMW at OWWA upang maipaalam at maipaintindi sa mga OFW ang kanilang mga karapatan habang nagta-trabaho sa ibang bansa. | ulat ni Kathleen Forbes