Minamadali na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paghahanap ng susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd).
Katunayan ayon sa pangulo, posibleng mai-anunsyo ba ito sa pagtatapos ng linggo.
Pahayag ito ng pangulo, kasunod ng pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte, bilang kalihim ng DepEd at Vice Chair ng NTF-ELCAC, epektibo sa susunod na buwan (July 19).
“She didn’t give any reasons. I asked her, are there any particular reasons she has chosen to resign from the Department of Education and the NTF Elcac, she said ‘wag nalang natin pag-usapan’ so I did not force the issue.” -Pangulong Marcos.
Sa ambush interview sa Maynila, sinabi ng pangulo na mahalaga ang DepEd, at hindi ito hahayaan ng administrasyon na mawalan ng kalihim.
Kahit sino pa aniya ang kalihim ng kagawaran, dapat na magpatuloy ang takbo at mga programa nito.
“We cannot leave it open. Importante yung trabaho nila. We cannot just leave it like that na nakatiwangwang na walang secretary. Kayat minamadali ko lahat. Bigyan niyo ko maraming pangalan, ano gusto natin, what do we need tingnan natin ng mabuti where is the status of the DepEd, what is now required?” -Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, tumatanggap na siya ng mga pangalan na maaaring pumalit sa babakentehing pwesto ni VP Sara sa DepEd.
“Education is important so no matter the change of leadership in the department, we still have to carry on, so we are now, I will probably be able to, I would like to be able to announce the appointment of the DepEd Secretary by the end of the week.” -Pangulong Marcos.
Pagsisiguro ng pangulo, inaaral rin nila ang mga kailangang gawin,, o kung educator, administrator, o accountant ba ang kailangan sa tangapan, t ito mismo ang tinutukoy ng gobyerno sa kasalukuyan.
“Ano pa ba yung kailangan gawin? So what do we need? Do we need an educator? DO we need an adminsitrator do we need an accountant? what do we need? And that is what we are trying to determine right now.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan