Pinatitiyak ng mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara sa Department of Energy ang kahandaan ng power sector na harapin ang epekto ng La Niña.
Paalala ni Zambales Rep. Jay Khonghun, hindi lang basta weather event ang La Niña, dahil isa rin itong banta sa operasyon ng economic activities.
Kaya aniya dapat ay mayoong contingency plans ang mga power company.
“Our energy infrastructure has to be resilient. Any weakness in our power grid could lead to severe consequences for our people and economy,” sabi ni Khonghun.
Responsibilidad naman ng power companies ani Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na may sapat na koodinasyon sa publiko para sila ay makapaghanda lalo na at nakadepende ang pang araw-araw na gawin sa suplay ng kuryente.
Nais namang malaman ni 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez ang katatagan ng power infrastructure ng bansa at agad magpatupad ng pagkukumpuni kung may sira.
“The infrastructure must be robust enough to withstand the challenges posed by La Niña. This includes not just the capacity to generate electricity, but also the resilience of our transmission and distribution networks,” wika ni Gutierrez
Giit ng mga mambabatas na mahalagang mapaghandaan na ito ngayon pala lamang upang maiwasang magkaroon ng aberya oras na tumama na ang panahon ng tag-ulan. | ulat ni Kathleen Forbes