Higit sa pagpapatawag kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian, sinabi ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may kailangan pang gawin ang pamahalaan para tugunan ang pangyayari nitong nagdaang June 17, 2024 sa Ayungin shoal.
Sa media interview kay Pangulong Marcos Jr., sinabi nitong daan- daan ng mga protesta ang naisakatuparan hinggil sa mga naging aksyon ng China.
Ilang ulit na din naman aniyang naipatawag ang Ambassador ng China at naipahayag ang mariing pagkadisgusto sa mgaMGA nakaraang pangyayari sa pinagtatalunang teritoryo pero paulit- ulit pa rin ang pangyayari.
Kung tutuusin nga ayon sa Chief Executive ay umabot na hanggang Beijing ang mg reklamo ng pamahalaan kaugnay ng ibat- ibang harassment na ginawa ng China.
Sabi ng Pangulo, nasa Department of Foreign Affairs ngayon kung paano ang gagawing paraan ng reklamo na aniyay dapat na higit pa sa pagpapatawag sa Chinese Envoy sa Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar