Pagpapatuloy ng regular na resupply mission sa Ayungin Shoal, siniguro ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bagamat hindi armed attacked ang ginawa ng China sa pinakahuling RORE mission ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal, sinadya naman itong hakbang upang pigilang magtagumpay ang resupply mission sa lugar.

“It’s not armed. Walang pumutok. Hindi tayo tinutukan ng baril. But it was deliberate. It was a deliberate action to stop our people,” -Pangulong Marcos Jr. 

Sa media inte rview sa Pangulo sa Lungsod ng Maynila (June 27), sinabi nito na malinaw ang ginawang pagpupumilit ng China sa Philippine vessel at pagkuha ng equipment ng Navy.

Kahit aniya walang nagpaputok ng armas o walang naging ambush, malinaw na iligal ang ginawa ng Chinese forces sa mga hanay ng Philippine Navy.

“They boarded a Philippine vessel, and took the equipment from the Philippine vessel. So, although there (was) no ambush involved, nonetheless, it is still a deliberation action and it is essentially an illegal action that was taken by the Chinese forces,” – Pangulong Marcos.

Sa kabila nito, nanindigan ang Pangulo na ipagpapatuloy pa rin ng pamahalaan ang resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Sabi pa ni Pangulong Marcos, kailangang gumawa ng hakbang ang Pilipinas bukod pa sa paghahain ng mga diplomatic protest, o demarche, na karaniwang ginagawa ng bansa tuwing may panibagong insidente ng pamba-braso ng China sa West Philippine Sea (WPS). | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us