Kasunduan para sa technical assistance ng operation at maintenance ng LRT-1, nilagdaan na – DOTr  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilagdaan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), Sumitomo Corporation, at Hankyu Corporation ang kasunduan para sa technical assistance sa operasyon at pagpapanatili ng sistema ng LRT-1.

Sinaksihan nina Transportation Secretary Jaime Bautista at mga opisyal ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang paglagda sa kasunduan.

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang Hankyu Corp. ng technical assistance sa LRMC upang makatulong sa pagsusuri ng mga operasyon ng LRT-1 at mapabuti ang mga proseso at pagsasanay ng mga tauhan nito.

Photo courtesy of Department of Transportation (DOTr)

Ayon kay Secretary Baustista, ang karagdagang tulong na ito ay magiging lubhang kapaki-pakinabang lalo na at malapit nang magsimula ang partial operation ng Cavite Extension.

Sa panig naman ni Hankyu Corporation Senior Managing Director Masayoshi Uemora sinabi nito, na ang pagtatayo ng mga sistema ng riles sa Pilipinas ay napakahalaga upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko.

Umaasa naman ang DOTr, na ang naturang kasunduan ay makahihikayat sa mga Japanese firm na mamuhunan sa mga sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us