Pinal na ang desisyon ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na hindi na siya dadalo sa pagdinig ng Kamara tungkol sa ipinatupad na war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay dela Rosa, ang desisyon niyang ito ay bunga ng desisyon rin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang dumalo sa pagdinig.
Nilinaw ng senador, na wala naman sana siyang problema na dumalo sa House hearing lalo na kung dadalo si dating Pangulong Duterte.
Aniya, sakali kasing pumayag na mag attend ang dating pangulo ay ayaw naman niyang iwan ito na sumagot sa mga tanong tungkol sa war on drugs samantalang siya ang PNP Chief noon.
Pero dahil nga hindi na rin a-attend ang dating pangulo ay hindi na rin siya dadalo.
Dagdag pa aniya dito, na ayaw niyang maging precedent sa pagbali ng tinatawag na inter-parliamentary courtesy sa pagitan ng Senado at Kamara.
Wala na rin aniyang saysay na dumalo sa pagdinig tungkol sa war on drugs dahil paulit-ulit na rin ang mga imebstigasyon dito.
Samantala, binigyang diin rin ni dela R,osa na hindi niya ikinagagalit ang ginagawang imbestigasyon ng Kamara, bagkus ay ipinagpapasalamat pa niya ito.
Aniya, patunay ito na gumagana ang justice system sa Pilipinas.
Dahil hindi lang ang criminal justice system ang nag iimbestiga sa isyu kundi maging ang lehislatura ay may imbestigasyon na rin. | ulat ni Nimfa Asuncion