Kulong at perpetual disqualification, nag-aabang sa mga opisyal ng pamahalaan na pinipili ang bibigyan ng ayuda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo ang isang panukalang batas na layong parusahan ang mga opisyal ng pamahalaan na namimili sa pagbibigay ng tulong sa kanilang mga nasasakupan.

Sa kaniyang panukala na “An Act Penalizing Selective, Discretionary, and Discriminatory Acts in the Delivery of Cash, Livelihood, or Relief Assistance Programs of Local Government Units (LGUs)” papatawam ng parusang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang isang taon at perpetual disqualification ang mga public official na mapapatunayan na may pagkiling o pamimili sa bibigyan ng tulong.

Ayon kay Tulfo, may mga pagkakataon na pinipili at inuuna ng mga lokal na opisyal ng gobyerno ang mga tatanggap ng mga programa ng tulong batay sa personal na konsiderasyon.

Halimbawa ang mga supporter o kaanak.

“Lagi nating naririnig ang problema na namimili si government official ng bibigyan niya ng ayuda mula sa gobyerno tuwing may kalamidad, pero wala namang nangyayari sa reklamo dahil walang napaparusahan dahil walang batas laban dito,” sabi ni Tulfo.

Paalala ng mambabatas na ang ganitong gawain ay direktang paglabag sa accountability at transparency sa government service. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us