Apat na lang na coastal waters sa bansa ang nananatili pa ring positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide.
Batay sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources,hindi pa rin pinapayagan ang paghango at pagkain ng shellfish sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur, coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.
Lahat ng shellfish at alamang sa mga nabanggit na karagatan ay bawal pang kainin maliban sa isda, pusit, hipon at alimango basta’t linisin lamang ng mabuti bago iluto.
Patuloy namang ligtas sa toxic red tide ang baybaying dagat sa paligid ng Manila Bay.
Lahat ng shellfish na nakukuha sa coastal waters ng Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas at Bataan ay ligtas sa human consumption. | ulat ni Rey Ferrer