Muling nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na huwag basta maniwala sa mga ulat na may mangyayaring malakas na lindol mula sa unconfirmed at unreliable sources.
Nilinaw ng ahensya na walang teknolohiya sa buong mundo ang makapagsasabi kung kailan at saan mangyayari ang isang lindol.
Pinaalalahanan ang lahat na huwag mag share o mag-forward ng anumang hindi berepikadong impormasyon na maaring magdulot ng pagkatakot o pagkalito sa publiko.
Importante umano na magkaroon ng tamang kaalaman at sapat na paghahanda upang ligtas sa panganib ng lindol.
Payo pa ng PHIVOLCS na bisitahin ang kanilang website at opisyal na mga social media account para sa tamang impormasyon. | ulat ni Rey Ferrer