2 hanggang 3 bagyo, papasok sa bansa ngayong Hulyo — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng umabot sa dalawa hanggang tatlong bagyo ang mamuo o pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Hulyo ayon yan sa PAGASA.

Batay sa pagtaya ng PAGASA, ito ay habang nananatili sa neutral phase ang bansa at nakaamba pa rin ang La Niña Phenomenon.

May tatlong track naman na posibleng daanan ng mga bagyo ngayong Hulyo kabilang ang recurving na tropical cyclones, na posibleng mag-landfall sa extreme northern islands ng bansa, at posible rin ang landfall sa north-central Luzon.

Inaasahan naman ng PAGASA na maraming lugar sa bansa ang makararanas na ng pag-ulan ngayong Hulyo.

Samantala, nilinaw ng PAGASA na nananatili pa rin ang La Niña Watch at may posibilidad pang hindi ito magtuloy. | ulat ni Merry Ann Bastasa