Philippine-Spanish Friendship Day, ipinagdiwang sa Baler

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagdiwang ngayong araw sa bayan ng Baler, Aurora ang ika-dalawampu’t dalawang Philippine-Spanish Friendhsip Day.

Alinsunod sa Republic Act 9187, pinagdiriwang tuwing katapusan ng Hunyo ang Philippine-Spanish Friendship Day para gunitain ang cultural at historical ties, pagkakaibigan at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Espanya.

Ngayong taon, panauhing pandangal sina dating Senate President Juan Miguel Zubiri at Spanish Ambassador Miguel Utray Delgado. Samantalang sinaksihan rin nina Senador Sonny Angara, Senador Sherwin Hatchalian at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) chairperson Lisa Guerrero Nakpil ang programa para sa selebrasyon.

Kaninang umaga, pinangunahan nina Zubiri at Delgado ang wreath laying ceremony sa Simbahan ng Baler saka nagkaroon ng maikling programa sa Plaza de Baler.

Sa kanyang talumpati, binahagi ni Zubiri ang posibilidad ng pagbisita sa Pilipinas ng Hari ng Espanya na si King Felipe VI sa susunod na taon.

Ayon kay Zubiri, kung sakaling matuloy ang planong ito ay sisikapin nilang makabisita si King Felipe sa baler.

Base sa kasaysayan, sa Simbahan ng Baler naitala ang pinakahuling pagsuko ng mga sundalong Kastila sa mga Pilipino.| ulat ni Nimfa Asuncion