Mga pangunahing lansangan sa Pasig City, isinara ngayong araw para sa pagdiriwang ng Araw ng Pasig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinara na ang mga pangunahing lansangan sa Lungsod ng Pasig ngayong araw bilang bahagi ng padiriwaang ng ika-451 anibersaryo ng pagkakatatag ng Pasig bilang isang bayan

Simula alas-6 ng umaga, sarado na sa mga motorista ang magkabilang lane ng C. Raymundo ave mula Pasig Rotonda hanggang Stella Maris.

Gayundin ang magkabilang lane ng Mercedes Avenue mula Market Avenue hanggang C. Raymundo Avenue gayundin ang Rotonda Junction, A. Mabini Street at Dr. Sixto Antonio Avenue na kapwa nasa Barangay Kapasigan.

Sarado rin sa mga motorista ang Plaza Rizal Intersection at ang F. Manalo Street gayundin ang magkabilang lane ng Caruncho Avenue sa harap ng Pasig City Hall.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na sumangguni sa social media pages ng Pasig LGU para malaman ang mga alternatibong ruta na maaari nilang daanan upang maka-iwas sa anumang abala sa kanilang pagbiyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us