Mabilis na pagpasa ng SOGIESC Equality bill, hiniling ni QC Mayor Belmonte sa mga mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaapela na sa Kamara at Senado si Quezon City Mayor Joy Belmonte na pabilisin ang pagpasa ng SOGIESC Equality bill.

Sa ginanap na Love Laban 2 Everyone! Happy Equality: Araw ng Pasasalamat noong Hunyo 30, 2024… naghayag ng pagkadismaya si Mayor Belmonte dahil sa mabagal na pag-usad ng pagpasa ng nasabing batas.

Ayon sa alkalde, sa kabila ng matagal nang pakikipaglaban ng lungsod tungo sa karapatan at pagkakapantay-pantay ng bawat isa ay nakabinbin parin ang panukala.

Binigyang diin ni Mayor Belmonte, na ang kaniyang panawagan ay hindi lang para sa mga miyembro ng LGBTQIA  + Community kung hindi para sa lahat ng mamamayan dahil ang bawat isa ay mayroong Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, or Sex Characteristics (SOGIESC). | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us