Usaping pandepensa, tinalakay sa pagpupulong ni Sec. Teodoro at mga retiradong heneral

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kay dating Secretary of Defense Renato de Villa at mga miymebro ng Board of Trustees ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO) sa pangunguna ni Vice Admiral Emilio Marayag (Ret) kahapon.

Kasama si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., tinalakay ni Sec. Teodoro sa mga retiradong heneral ang mga prayoridad ng DND sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Tinalakay din ng kalihim ang “policy direction” ng kagawaran sa mga kasalukuyang hamong pandepensang kinakaharap ng bansa partikular sa West Philippine Sea.

Nagpasalamat din si Sec. Teodoro sa AGFO sa kanilang suporta sa pagsisikap ng DND at AFP na tugunan ang mga hamong panseguridad ng bansa, kabilang ang agresyon ng China sa WPS at mga kriminal na sindikatong nagpapanggap na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). | ulat ni Leo Sarne

📸: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us