Naniniwala ang nakararaming Pilipino na dapat itulak ang diplomatikong pamamaraan at dapat alisin na ang mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea para humupa ang tensyon sa naturang karagatan.
Sa survey na isinagawa ng Pulse Asia, 64% ng respondents ang nagsabing kailangan ng Code of Conduct sa West Philippine Sea o South China Sea, lalo na sa mga bansang umaangkin ng teritoryo.
Nasa 61% naman ang pabor na alisin ang Chinese Coast Guard at militia vessels sa mga teritoryong sakop ng Exclusive Economic Zone.
Malaking porsyento ng pumabor rito ay mula sa Metro Manila.
Samantala, 49% ng respondents ang nagsabing dapat na magbayad ng danyos ang China sa mga nasira nitong coral reefs sa West Philippine Sea.
Isinagawa ang survey mula May 5 hanggang May 9 kung saan tinanong ang nasa 1,200 respondents kung ano ang dapat na hakbang para mapahupa ang tensyon sa WPS. | ulat ni Merry Ann Bastasa