DILG Sec. Abalos, pinag-iingat ang publiko sa mga pekeng accounts na ginagamit ang kanyang pangalan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ngayon si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa publiko laban sa mga pekeng Facebook pages at account na ginagamit ang kanyang pangalan.

Ayon sa kalihim, may mga pekeng account ang ginagamit ng mga scammer para makapambiktima.

Paalala nito sa publiko, maging mapanuri at huwag magbigay ng mga personal na impormasyon at huwag basta maniwala sa nababasa online.

Ayon pa sa kalihim, iisa lang ang opisyal na Facebook Page nito at official account na Facebook.com/benhur.c.abalos. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us