Isinagawang Command Conference ng militar kasama si Pangulong Marcos Jr, di na bago — AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na normal lamang at walang bago sa isinasagawang Command Conference sa hanay ng militar ngayong araw.

Ito ang pahayag ni AFP Spokesperson, Col. Francel Padilla kasunod ng ginagawang pulong ng mga military official kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kampo Aguinaldo.

Ayon kay Padilla, maituturing na regular lamang na kumustahan ito ng Pangulo at ng mga sundalo at inaasahang magbibigay direktiba rin ito hinggil sa maiinit na usapin.

Inaasahan ding mag-uulat dito ang mga opisyal ng militar hinggil sa mga development sa naunang direktiba ni Pangulong Marcos hinggil sa paradigm shift ng militar at ang pagtutok nito sa external defense.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pupulungin ng Pangulo ang mga opisyal ng AFP buhat noong Enero. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us