Ilalabas na bukas ng Department of Budget and Management (DBM) ang natitirang ₱27-billion na Health Emergency Allowance ng mga healthcare worker na naglingkod noong panahon ng pandemya.
Ngayong umaga ay inanunsyo ni Secretary Aminah Pangandaman ng DBM, ang paglalabas ng nasabing pondo.
Noong buwan ng Mayo ay inaprubahan ng DBM ang paglalabas ng Special Allotment Release Order at Notice of Cash Alocation.
Sinabi ng DBM, sa 2025 pa sana maisasama sa General Appropriations ang pondong ito pero dahil sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibigay sa healthcare workers ay agad itong inaksyonan ng DBM.
Bukas ay matatanggap na ng mga healthcare worker ang nasabing emergency allowance.
Aabot na sa mahigit ₱91-billion ang kabuuang naipamahagi na emergency allowance ng healthcare workers. | ulat ni Mike Rogas