Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na lalo pa nitong palalakasin ang paghahatid ng social protection program, kasabay ng pagapruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mapasama sa top priorities ng proposed 2025 National Expenditure Program (NEP).
Ayon sa DSWD, kabilang ang social protection sa prayoridad ng administrasyong Marcos na pinaglaanan din ng mataas na budget sa susunod na taon.
Sa ilalim ng approved NEP, ang proposed budget ng DSWD para sa taong 2025 ay pumalo sa Php229.3 billion.
Sa nasabing proposed budget halos kalahati nito ay mapupunta sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Kabilang sa mga plano ng ahensya sa ilalim ng Human Capital Development, ay ang paglunsad ng interoperable social registries na naglalayong mapabilis at mapadali ang pagbibigay ng cash assistance.
“Once approved, this will benefit the qualified and compliant beneficiaries, ensuring that they will continue to receive their grants that will help them attain self-sufficiency and eventually break the intergenerational cycle of poverty in their families,”
Nakatakdang ilunsad ng DSWD ang dynamic social registry (DSR) na naglalayong mapabilis ang demographic at migration data, ng mga vulnerable households. | ulat ni Merry Ann Bastasa