Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ginagawa nitong pag-protekta sa teritoryo ng Pilipinas, at sa paglaban sa mga banta ng seguridad sa loob ng bansa.
“The Armed Forces of the Philippines (AFP) recently got a moral boost from President Ferdinand R. Marcos Jr. as he lauded its men and women for their gallantry in fighting the local insurgency and defending the national territory.” -PCO
Sa command conference sa Camp Aguinaldo, ipinangako ng pangulo ang buo at patuloy na suporta sa AFP, lalo na nakatakda nitong pag-adapt ng bagong taktika kontra cybersecurity.
Na ayon sa Presidential Communications Office (PCO), na malaki ang ginagampanang papel sa pag-protekta sa mga Pilipino mula sa external at internal threat.
“He vowed to continue supporting the AFP especially in its bid to adapt to new tactics against cybersecurity which has become crucial in protecting Filipinos from external and internal threats.” -PCO.
Kaugnay nito, sinabi ng PCO na nabuhayan ng loob, at tumaas ang morale ng AFP, kasunod ang pagkilalang ito ni Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan