AFP Chief, nagpasalamat sa “guidance” ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa ibinigay na “guidance” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Sandatahang Lakas sa idinaos na mid-year Command Conference sa Camp Aguinaldo, kaninang umaga.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gen. Brawner na ang mga binigay na direktiba ng Pangulo ang gagabay sa mga plano at programa ng militar para sa hinaharap.

Tiniyak ni Gen. Brawner na ihahanay ng Sandatahang Lakas ang kanilang pagsisikap na gampanan ang kanilang misyon sa bisyon ng Pangulo para sa isang ligtas at mapayapang bansa.

Binigyang diin ni Gen. Brawner ang dedikasyon ng AFP, na paunlarin ang mga istratehiya at taktika ng militar para epektibong matugunan ang mga panloob at panlabas na banta upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us