Nakatakdang ilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang Rice-For-All Program sa susunod na mga araw.
Ito ay bukod pa sa ₱29 Program ng DA kung saan makakabili ng de-kalidad na bigas ang nasa mahihirap na sektor sa halagang ₱29 kada kilo.
Sa isang pulong balitaan sa Quezon City ngayong hapon, inanunsyo ni Agriculture Spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa na magkakaroon din ang DA ng iba pang programa para naman sa general public.
Kung saan makakabili ng mas murang presyo ng bigas kumpara sa ibang pamilihan.
Ang mga bigas na ito ay ibebenta rin sa iba’t ibang Kadiwa Center sa Metro Manila at sa mga rehiyon.
Layon ng naturang programa na paigtingin ang food security at ilapit sa mamamayan ang abot-kayang presyo ng bigas. | ulat ni Diane Lear