Dapat ding imbestigahan ang posibleng pagkakasabwat ng pamilya ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at mga kasosyo nito sa negosyo sa mga krimen na iniuugnay sa alkalde.
Ang pahayag na ito ng senadora ay kasunod ng pagkakasiwalat na nag-match din ang fingerprints ng kapatid ni Mayor Alice na si Wesley Guo sa Chinese national na si Guo Xiang Aan.
Ayon kay Hontiveros, kung peke din ang pagkatao ng kapatid ni Mayor Alice, ibig sabihin ay maaaring sangkot din ito sa mga krimeng binabaling sa suspendidong alkalde.
Maliban kay Wesley, may dalawa pang kapatid si Mayor Alice na sina Shiela at Seimen guo.
Kabilang sila at ang mga incorporator ng Hong Sheng o ang na-raid na POGO hub sa Bamban sa mga pina-subpoena ng Senate Committee on Women na dadalo sa susunod na pagdinig sa July 10.
Sakaling hindi pa rin dumalo ang mga ito ay maglalabas na ng warrant of arrest para madala sila sa Senado. | ulat ni Nimfa Asuncion