Malapit nang maging available sa merkado ng Pilipinas ang bakuna kontra sa African Swine Fever (ASF).
Pahayag ito ni Agriculture Secretary Francisco Tiu laurel, sa ginawang pamamahagi ng presidential assistance sa Calbayog City, Samar, ngayong araw (July 4).
Ayon sa kalihim, inaasahang maaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) sa susunod na dalawang linggo ang commercial trial ng ASF vaccine.
“Malapit nang lumabas ‘yung approval sa vaccine for the swine…FDA and the DA are working very closely on this. Ang ganda ng teamwork namin,” -Secretary Laurel.
Agad aniya itong susundan ng commercial distribution.
Umaasa ang DA na ang pagiging available sa merkado ng bakuna ay tutuldok sa pagkalat ng ASF sa bansa, lalo’t epektibo aniya ang bakunang ito na galing sa Vietnam.
Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na kailangan ring tutukan ang pagpasok sa bansa ng imported goods, lalo ang agri products.
“Kailangan i-check kasi I believe dati naman wala naman tayong ASF, wala naman tayong bird flu… Dapat doon tayo sa gates nagbabantay and after that internal,” —Secretary Laurel. | ulat ni Racquel Bayan