Department of Agriculture, nanawagan sa publiko na huwag abusin ang P29 Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa paglulunsad ng malawakang pagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas bukas, nanawagan si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa publiko na huwag abusin ang programa.

Ang P29 Program ay isang inisyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layong magbigay ng de-kalidad na bigas sa halagang P29 kada kilo sa mga piling benepisyaryo kabilang ang mga miyembro ng 4Ps, solo parent, at senior citizen.

Ayon kay Secretary Laurel, mahalagang maiwasan ang pang-aabuso sa programang ito tulad ng pagbebenta ng mga benepisyaryo ng bigas na binili sa mas mababang presyo.

Aniya, gustong siguraduhin ng DA na ang pinakamaraming bilang ng mga nasa mahihirap na sektor ay makikinabang sa programang ito ng pamahalaan.

Nauna rito ay inanunsiyo ni Agriculture Assistant Secretary Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra na simula bukas 10 mula sa tatlong KADIWA centers na sa Metro Manila at Bulacan makakabili ng tig-P29 kada kilo ng bigas.

Ito ay isasagawa tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Nasa 10 kilo naman ang maaaring mabili ng mga benepisyaryo sa loob ng isang buwan. Pinapayuhan din na magdala ng ID ang mga mamimili ng bigas. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us