Inilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang “Mulat” Communication Plan para kontrahin ang paglaganap ng maling impormasyon tungkol sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., layon ng “Mulat” Communication Plan na palakasin ang “transparency,” kontrahin ang disinformation, at palawakin ang kamalayan ng publiko tungkol sa karapatan at interes ng Pilipinas sa rehiyon.
Sinabi ni Brawner na sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan ng publiko, mapagbubuklod nito ang mga Pilipino sa pagtataguyod ng interes ng bansa.
Ang tema ng nasabing Communication Plan ay “Our Seas, Our Rights, Our Future,” na sumasalamin sa dedikasyon ng AFP na makipagtulungan sa lahat ng stakeholders sa pagsisikap na ipagtanggol ang karagatan, karapatan, at kinabukasan ng Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne
📸: PAOAFP