Inaanunsyo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na magiging bahagi na ng battle dress uniform ng militar ang patch ng bandila ng Pilipinas.
Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo kahapon, ipinaliwanag ni Gen. Brawner na ito ay para ipakita ang “patriotism” at “solidarity” ng bawat sundalo, bilang malinaw na paalala ng mandato ng AFP na itaguyod ang soberenya at territorial integrity ng Pilipinas.
Bahagi rin ito ng pakikiisa ng AFP sa pagsisikap ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaguyod ang national pride at pagkakaisa sa mga Pilipino.
Dagdag ng AFP chief na ang pag-display ng bandila ng Pilipinas sa uniporme ng mga sundalo ay nagsisilbing representasyon ng pagtupad ng AFP ng kanilang misyon na may karangalan at integridad. | ulat ni Leo Sarne