2023 NEDA Annual Report, inilabas na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang inilabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kanilang 2023 Annual Report.

Nakapaloob dito ang mga nagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. partikular na ang mga landmark infrastructure project nito.

Ito ang mga proyektong magpapalakas at magbibigay kapakinabangan para sa mga Pilipino sa ilalim ng Build – Better – More Program.

Matutunghayan din dito ang malalim na pagtalakay sa pagtugon ng pamahalaan sa mga hamong pang-ekonomiya na siya namang nagtataguyod ng nagkakaisang pag-unlad at pagsusulong ng matatag, maginhawa, at panatag na buhay para sa mga Pilipino.

Sa temang “Bridging People, Places and Policies,” naka-angkla ang nasabing ulat sa mandato ng NEDA na pagbuklurin ang tao at pamahalaan sa ilalim ng iisang adhikain na bigyan ng komportableng buhay ang bawat mamamayan ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us