Speaker Romualdez, nagpaabot ng pasasalamat kay First Lady Liza Marcos sa pagdadala ng “LAB FOR ALL” project sa Tacloban

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan mismo ni First Lady Liza Araneta Marcos ang paglulunsad ng “Lab for All” project sa Tacloban City.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Speaker Martin Romualdez sa dalang libreng health care service ng Unang Ginang sa kanilang probinsya.

Para aniya sa mga ordinaryong Pilipino, ang “Lab for All” caravan ay isang malaking tulong.

Dinadala na kasi nito ang serbisyong medikal direkta sa kanilang mga komunidad upang hindi na mapagod, gumastos, at mahirapan sa pagpunta sa mga malalayong ospital.

“Ang Lab for All Caravan ay isang mahalagang inisyatiba ng ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng ating masipag na First Lady. Layunin ng proyektong ito na maghatid ng libreng konsultasyon, X-ray, laboratory tests, at gamot sa mga komunidad na nangangailangan,” sabi ni Speaker Romualdez.

Matapos nito, nanguna rin ang First Lady, kasama ang House Speaker at si Tingog Partylist Representative Yedda Romualdez sa pamamahagi ng ₱4.2 million na financial aid sa ilalim ng TUPAD program ng DOLE.

Kabuuang 1,026 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-₱4,050. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us