Kamara at DBM, naghahanda na para sa pagsusumite ng 2025 National Expenditure Program sa July 29

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng pulong ang opisyal ng Kamara, Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), at Department of Budget and Management (DBM) para sa nakatakdang pagsusumite ng 2025 National Expenditure Program (NEP).

Ang NEP ang magiging basehan sa bubuoing ₱6.352 trillion 2025 General Appropriations Bill.

Ayon kay House Deputy Secretary General for Inter-Parliamentary and Public Affairs Department (IPAD) Atty. Grace Andres napagkasunduan na sa July 29, isagawa ang ceremonial turnover ng NEP.

Mismong si DBM Secretary Amenah Pangandaman ang magsusumite ng NEP sa House officials sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us