Inflation nitong Hunyo, bahagyang bumagal sa 3.7% — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumagal sa 3.7% ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Hunyo.

Mas mababa ito kumpara sa 3.9% na headline inflation rate sa bansa noong Mayo.

May katumbas itong 3.5% na average inflation mula Enero hanggang Hunyo.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation ay ang mas mabagal na taas-presyo ng kuryente at pati na ng gasolina.

Nakaambag din ang mas mabagal na inflation sa restaurant at accommodation services.

Sa mga pangkat ng pagkain, mas mabilis ang inflation sa luya at kalabasa habang bumagal naman ang inflation sa bigas, harina, at gatas.

Kaugnay nito, bumagal rin sa 2.3% ang inflation rate sa Metro Manila kumpara sa 3.1% na naitaa noong Mayo.

Sa labas naman ng National Capital Region (NCR), naitala sa BARMM ang pinakamataas na inflation habang sa Region 1 naman ang pinakamababang inflation. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us