DSWD, pinag-aaralan na ang posibleng adjustment sa cash grant ng 4Ps beneficiaries

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipagpulong na ang Department of Social Welfare and Development sa National Economic and Development Authority (NEDA) para sa posibleng pagkakaroon ng adjustment sa cash grant na ibinibigay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).

Sa DSWD Forum, sinabi ni Assistant Secretary JC Marquez, tagapagsalita ng DSWD na pinaplantsa pa nila kung ilang porsyento ang maaaring itaas sa natatanggap na ayuda ng 4Ps beneficiaries.

Kung sakali namang maaprubahan ito, maaaring sa susunod na taon pa maisama ang umento sa ayuda.

Kaugnay nito, kasama rin sa pinag-aaralan ang mekanismo para maging otomatiko na ang adjustment ng cash grant sa 4Ps lalo na kung mataas ang inflation.

Tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-aralan ang mga paraan partikular na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na tumugon sa epekto ng inflation sa mahihirap na Pilipino. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us