Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na malaki ang maitutulong ng malawakang implementasyon ng P29 program at rice-for-all program para magtuloy tuloy ang pagbagal ng inflation sa bansa.
Sa ulat ng PSA, bumagal sa 3.7% ang inflation nitong hunyo gayundin ang rice inflation na nasa antas ng 22.5%
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, mararamdaman sa mga susunod na buwan ang positibong epekto ng P29 program at rice-for-all program lalo’t nasa 25% ang ambag ng bigas sa kabuuang inflation sa bansa.
Dagdag pa nito, oras na maipakalat na sa bansa ang bentahan ng murang bigas, nasa 30% ng populasyon ang makikinabang rito na tiyak makakahatak sa inflation.
Sa ngayon, tuloy tuloy naman anjya ang monitoring ng DA sa large scale trial ng P29 program bago ito ipakalat sa Visayas at Mindanao sa mga susunod na buwan. | ulat ni Merry Ann Bastasa