Humirit si dating health secretary at ngayon ay Iloilo Rep. Janette Garin na gawin nang libre ang maintenance medications para sa diabetes at hypertension
Aniya sana ay mabigyan ito ng sapat na pondo sa 2025 national budget lalo na at sinabi ni Speaker Martin Romualdez na pagtutuunan ng pansin ang sektor ng kalusugan sa panukalang P6.352 trillion 2025 national budget.
Paalala ng mambabatas, na kung ang gastusin ng kalusugan ay naiibsan, sa tulong ng pamahalaan gaya ng PhilHealth, mas makakagalaw at nakaka ambag ang taumbayan sa ekonomiya ng bansa.
Nais din ng mambabatas na magipagpatuloy ang Medical Assistance Program para mas madami pang pasyente ang matulungan sa kanilang gamutan.
Pero paalala ng lady solon na pinakamainam pa ring panangga sa sakit angp healthy lifestyle at umiwas sa bisyo ng alak at sigarilyo.
“Pinakamahalaga pa rin na panatilihin malusog ang ating kalusugan, tiyakin na may sapat na ehersisyo, at balanced diet para ang mga sakit tulad ng diabetes at hypertension ay maiwasan,” saad ni Garin. | ulat ni Kathleen Forbes